Nang aking gunitain sa aking ala-ala ang mga taong nagdaan lalo na noong akoy musmos pa lamang, nasabi ko na hindi na nga naman bago ang paksa tungkol sa nutrisyon dahil taon-taon may buwan na inilalaan para dito. Bukod sa masaya at bibong pagdiriwang, isa sa pinakahindi ko malilimutan ay ang mga pagkaing inihahain sa mga panahong ito. Alam niyo naman siguro kung ano di ba?

                   Bumabaha ang mga prutas at gulay sa mga panahong ganito ngunit pagkatapos ng buwan ng Hulyo, nasaan na tayo? Tuloy pa ba sa pagkain ng mga masusustansyang pagkain o bumabalik sa nakasanayang mga pagkain na kung minsa’y lihis sa ating kaalaman ay nakakasira sa atin? Marahil may mga sasagot na OPO, masusustansya parin ang aking kinakain. Meron ding sasagot na OPO, bumabalik kami sa nakasanayan na at meron ding wala talagang isasagot… ngunit, kahit na ano mang sagot meron kayo, may isang bagay akong gustong ibahagi sa inyo bago pa matapos ang buwang ito:

                   Hindi lamang sa buwan ng Hulyo maaalala natin ang kalusugan; dapat buong taon natin itong tandaan at paghandaan

Ayon nga sa kasabihan:

                   “Kung gusto ay maraming paraan;

                   Kung ayaw ay maraming dahilan”

Kaya imbes na magdgahilan, gawan na lang natin ng paraan…

                   Walang bagay na di natin kakayanin, kung ito’y pagtutulungan natin..

Sabay-sabay nating sabihin:

                   “Kahit na maliit pa ako

                   Labanan ang gutom at malnutrisyon ay kaya ko.”




Leave a Reply.