Wastong pagkain sa hapag kainan
Kung ito may di makamtan
Ngayon na ang tamang panahon para simulan
Na ang gutom at malnutrisyon ay sama-sama nating wakasan

Masustansyang pagkain laging kainin
Pagkain ng prutas at gulay ay ugaliin
Sustansya mula sa ibang pagkain wag palampasin
Tandaan na ito’y balansehin

Taghirap ay di dahilan
Upang nutrisyon ay kalimutan
Pagkat ito’y sadyang kayamanan
Di dapat balewalain kailanman

Ano pa ang iyong hinihintay?
Wag na tayong magpapatay-patay
Tulungan naten si nanay at tatay
Labanan ang gutom at malnutrisyon ng sabay-sabay




Leave a Reply.